Covid-19 Story #1: Teacher vs OFW

    CLICK HERE to see updated Covid-19 cases in your town

    Location: Sipocot, Camarines Sur

    Araw ng Martes, Abril 28, bigayan ng SAP sa Barangay. Mahigit-kumulang anim na raan katao ang pumipila at kabilang si Roberto Mandigma, isang karpintero na ang asawa ay isang domestic helper sa Abu Dhabi. Pangatlo na si Roberto sa pila nang biglang:

    “Hoy Robert, bakit na nariyan, di ba OFW ang asawa mo”, sigaw ng isang babae sa di kalayuan na sya naming tingin kay Roberto ng isa sa mga opisyales ng DSWD na siyang nangangasiwa sa pamimigay ng SAP.

    “Ay sir OFW pala ang asawa nyo, hold po muna yong sa inyo,” ani ng DSWD na sya naming ikinagulat ni Roberto.

    Sa madaling sabi, hindi nabigyan si Roberto ng P6,500 dahil sa pangyayaring iyon. Sa halip na umuwi, kinumpronta nito ang nagsabi at nauwi sa hindi maganda. Lumaki ang gulo at ang nangyari ay pamilya laban sa pamilya. Tinawag ang mga pulis para awatin ang hindi magandang eksena.

    Wala ang Brgy. Chairman nong araw na yoon at base sa ulat, si Kapitan ay nasa bayan at kameeting si Mayor.

    Kinaumagahan, ang hindi mapakaling si Roberto ay dumulog sa istasyon ng Radyo sa Naga City at inereklamo ang nangyari. Tinawagan ng radio ang Kapitan ng Baranggay ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, walang kalam-alam si Kapitan.

    Tinawagan din ng radio ang babaeng sumita kay Roberto at napag-alamang ito pala ay isang guro na nakatanggap din ng SAP.

    Sa sobrang kahihiyan, inanunsyo ng babae, si Ronelia Legarda, na isasauli ang perang nakuha nong nabuko.

    Balik sa barangay, pinatawag ng Kapitan ang magkabilang panig at sinermonan, lalo na si Mrs Legarda dahil anya ipinahiya nito ang buong barangay dahil sa pagiging pakialamera nito.

    Ang perang ibinalik ni Ronelia ay siya namang ibinigay kay Roberto dahil sa kabila ng pagiging OFW ng asawa nito, dalawang buwan na ring hindi nakapagpadala dahil sa lockdown.

    Napag-alaman din na karamihan sa pamilya ni Ronelia ay nakatanggap ng SAP kahit ang karamihan sa kanila ay titser at ang iba ay mga empleyado ng gobyerno.

    Iniembistigahan ngayon ng DSWD ang pangyayari at posibleng maharap sa kaso si Ronelia at iba pang kapamilya nito dahil sa illegal na pagtanggap ng ayuda.

    Paalala ng kapitan, huwag makialam kung hindi naman pinakikialaman para di na nakadagdag pa sa problema.

    Mayroon bang kagaya nito sa inyong barangay, magcomment sa ibaba o kontakin kami kung gusto ninyong isalaysay ang inyong kuwento.

    Facebook Comments

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *